Hindi ako nakatulog dahil sa excitement first time ko kasing makakapaglakbay sa lugar na iyon, ofcourse except sa Luneta Park. Meron kaming tatlong destinasyon : una sa Ayala Museum, sumunod sa National Museum at ang panghuli sa Luneta Park. Ipinagdasal ko pa nun na sana wag umulan, para masuot ko ang shades ko, at nagtagumpay ako, nasuot ko nga sya dahil umaraw ng panahong iyon, haha.
Unang Destinasyon :
Ang ganda sa loob ng museum, sayang nga lang hindi pwedeng kumuha ng litrato, kasi bawal haha, kaya ayun sa labas lahat ang mga shots namin. Nasiyahan ako sa mga nakita ko, yung mga ginto nang mga ninuno natin, nung una nga nagduda pa ko kung mga ginto talaga yung mga nakalagay dun, sobrang nipis kasi e, parang yung nila2gay na ngayon sa pagkain, pero infairness ang galing ng mga ninuno natin sa paggawa ng mga disenyo sa ginto, kahanga-hanga.
Hindi lng puro ginto ang nakita ko dun, nakakita din ako nga mga jars na ginagamit ng ating mga ninuno upang paglibingan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay, naroon din ang mga kasuotang sinuot ng unang tao. Nakita ko rin dun ang mga lumang litrato ng pamilya aquino. Sa aking paglalakad nakita ko sa daan ang replika ng galleon, pati ang mga diorama kung saan nagsimula ang lahat. ^_^ Nakita ko rin dun ang actual size ng mga kilalang personalidad, imagine ka-height ko lang pala si rizal. :) Nakakaaliw din palang tumingin ng mga paintings ang gagaling nilang magpinta sana lang meron din akong ganung talento, sayang lang kulang yung oras para maikot ang buong museum.
Ikalawang Destinasyon:
Pagpasok palang kita na agad ang Spolarium, ang laki kasi nun e, pero maganda ang painting na un ang tagal ko din syang tinitigan. Buti nalang sa museum na iyon, hindi na masyadong mahigpit, nakapag take na kami ng mga pictures sa loob, daming paintings ng ibat'ibang mga artist. Nakakita ako ng mga kakaibang istura ng mga sculpture na hindi ko mawari lung ano sila, ito ang isang example :
Sa pangalawang building naman, ang dami din pwedeng makita, ang dami dung mga artifacts, lalo naman ung mga burial jars, grabe meron dung isang kwarto na puno ng iba't-ibang banga nakakatakot, napakatahimik kasi, ttsaka parang any moment may lalabas na halimaw galing sa banga, siguro kaya nag karuon ng movie na halimaw sa banga, kasi dun sa banga mismo naglilibing ang mga tao, kaya pumasada lang kami sa kwarto na yon, di na namin masyadong inusisa ang mga banga.
Waaahhh, ang laki kung buhay to sigurado kinain na ko nito at kung buhay nga talaga to, mas sigurado ako na wala to dito ngayon malamang nasa dagat sya, haha. Dami pa kong nakitang mga buto ng iba't-ibang hayop sa kwarto na to, nakakaaliw silang tignan. ^_^ Meron din dung kwarto na may lamang iba't-ibang preserved bodies ng mga hayop, sayang nga lang walang preserved na katawan ng tao, wee parang ayaw kong makakita nun, nakakatakot baka mamaya maging zombie yun kainin pa ako.
Ang huling Destinasyon :
Huling destinasyon na, pagod na ang mga paa ko. Pumasok kami sa japanese garden, sayang ang lugar, hindi nila napangalagaan pinabayaan nalng nila na marumi, walang magandang tanawing makikita, paglabaas namin sa garden nakatingiti samin ang tagabany\tay, siguro ay natuwa sya dihil mayroong mga estudyanteng nagsayang ng limang piso para makita ang ganung karuming hardin, kung napangalagaan lng siguro yung mabuti ay maganda rin iyon. Papunta na sana kami sa Kanlungan ng Sining ngunit walang niisa sa amin ang nakakaalam kung saan iyon naroroon, naglakad kami ng hindi alam kung saan ang patutunguhan ng may naglakas loob na nagtanong. pag dating namin sa aming pupuntahan sarado ito, nakaramdam ako ng panghihinayang dahil hindi ko nasilayan kung anong meron sa lugar na iyon, pero masaya narin ako dahil makakaupo na kami at makapagpapahinga. Hindi pa man din kami nagiinit sa pagkakaupo ay nagbadya na ang malakas na buhos ng ulan, unti - unti na itong pumapatak sa aming katawan, dali dali kaming nagayos at naglakad patungo sa aming pinanggalingan hindi pa man din kami nakakalayo ay bumuhos na ang malakas na ulan, wala pa naman kaming bitbit na payong buti nalang at hawak namin ang sapin na aming binili upang upuan, ipinandong namin ito sa aming ulo, subalit di pa rin sapat, hindi nagpatalo ang ulan , bumuhos pa ito ng mas malakas , Basang basa na kami at giniginaw, nang malapit na kami sa aming sasakyan ay bigla namang hina ng ulan. Naglakbay na kaming muli pauwi. Hindi ako nakatulog sa byahe dahil aliw akong tignan ang mga ilaw sa kalye na aming dinararaanan.
Napakasaya ng ganuong karanasan, sana ay maulit muli. At sana ay makita rin ng iba ang aming mga nasilayan upang pahalagahan at pangalaan din nila ang ating kultura na sya makakapag makapagpapakilala sa atin sa bilang isang pilipino.







